31 insidente ng pambu-bully ang naitatala kada araw sa mga eskwelahan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito, ayon kay Cebu Rep. Gerald Anthony Gullas Jr., ay batay sa consolidated report na isinumite sa kongreso kaugnay ng panukalang 2016 budget ng Department of Education o Deped.
Ayon kay Gullas, mahigit 6,000 insidente ng bullying ang naitala sa mga private elementary at high school noong 2014 na mas mataas sa mahigit 5,000 kaso noong 2013.
Gayunman, sa kabila ng mataas na bilang na ito, sinabi ni gullas na marami pa ring mga biktima ng pambu-bully ang nagdadalawang-isip na magsumbong sa mga awtoridad.
By: Jelbert Perdez