Inaasahan umano ang pagtaas ng kaso ng child sex abuse online ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ay ayon sa End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes Philippines (ECPAT).
Sinabi ng ECPAT na kilala ang Pilipinas bilang top source ng child sexual abuse material kahit noong wala pang banta sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang child sexual abuse umano ay bunsod ng kahirapan ng maraming pamilya sa bansa at dahil dito hindi malayong mas tumaas ang kaso nito ngayong may nararanasang krisis dahil sa pagkalat ng sakit.
Dahil ditto, nanawagan ang ECPAT sa mga otoridad na tutukan ang kasong ito upang mabigyan ng protektsyon ang mga batang Pilipino.