Nakatakdang imbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente ng pag-aaresto at diskriminasyon sa isang transwoman sa isang mall sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, ang kaso ni Gretchen Custodia Diez ay hawak na ng National Capital Region office at alam ng Gender Equality and Women’s Human Rights Center.
Binatikos ng CHR ang naranasang diskriminasyon ni Diez at iginiit na dapat siguruhin ng gobyerno at mga pribadong sektor na alam ng mga manggagawa nito sa buong bansa ang paggalang sa karapatan ng bawat isa at maging ng mga miyembro ng LGBT commmunity.