Ginagamit umano ng mga Kidnap For Ransom group ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga para makapangbihag ng mga indibidwal.
Dahil dito, inaasahan na ng PNP Anti-Kidnapping Group na tataas ang insidente ng kidnapping sa bansa habang umiigting ang kampanya kontra droga ng pulisya.
Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Chief Superintendent Manolo Ozaeta, modus ng mga sindikato na magpakilalang NBI o PNP at sasabihan ang posibleng biktima na kasama sila sa pina iimbestigahan sa illegal drugs.
Sa ngayon, ayon kay Ozaeta, may 2 grupo ng kidnapping group na tinututukan ngayon ang PNP Anti-Kidnapping Group.
Pero nilinaw ni Ozaeta, hindi lamang kidnapping, kundi maging mga kaso ng crimes against property tulad ng theft, robbery, at iba pa ang inaasahang tataas ang mga kaso.
Nauna nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon nang shift mula sa illegal drugs operations patungo sa kidnapping ang mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal