Inannusyo ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 14% ang mga insidente ng krimen sa buong bansa.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Bernardo Carlos, na mula sa 43,696 noong 2020, ang mga insidente ng krimen ay bumaba ng 13.89% sa 37,626 lamang o 6,070 na mas kaunting noong 2021.
Dadag pa ni Carlos, na ang bilang ng mga krimen ay bumaba mula sa mataas na 131,685 noong 2016 hanggang 37,626 na lamang noong 2021 o 71.42% ang pagbaba sa loob ng anim na taon. —sa panulat ni Kim Gomez