Nangalahati ang bilang ng mga krimeng nangyayari sa bansa mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, nakapagtala sila ng 832 index crimes mula Marso 17 hanggang March 29 na mas mababa ng mahigit 50% sa 1,750 cases na naitala mula March 4 hanggang March 16.
Ang mga krimen sa kategoryang ito ay murder, homicide, physical injury, rape, robbery at theft.
Sinabi ni Eleazar na pinamalaki ang ibinaba ng pagnanakaw na umabot ng halos 58%.