Susuriin ng Commission on Elections (COMELEC) ang naiulat na pamamahagi ng cash assistance kasabay ng campaign rally sa Nueva Ecija.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, narinig na niya ang nabanggit na insidente pero hindi muna ito nagbigay ng konklusyon.
Aniya, tutukuyin ng poll body kung sinadya o nagkataon lang ang timing na pamamahagi ng cash assistance.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nakuhanan ng video ang pamamahagi ng mga puting sobre na naglalaman ng 500 piso sa labas ng tirahan ng Gobernador sa Nueva Ecija sa isang campaign rally ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kinondena ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). – sa panulat ni Airiam Sancho