Pinaiimbestigahan ng European’s Drug Regulator ang posibleng blood clot cases sa mga naturukan ng Johnson and Johnson vaccine.
Ito’y matapos makatanggap ng balita ang mga European Medicines Agency o EMA na apat na kaso ang nasa kritikal na kondisyon matapos mabakunahan ng Johnson and Johnson.
Ipinabatid naman ng US health authorities na wala silang nakikitang “casual link” sa pagitan ng Johnson and Johnson vaccine at blood clots.
Una na ring napabalita na mayroong ganitong kaso ang Astrazeneca vaccine.
Samantala, sisimulan ng safety committee ng EMA ang pag-assess kaugnay sa thrombo-embolic events sa dalawang naturang bakuna.—sa panulat ni Rashid Locsin