Tumaas ang insidente ng pandurukot sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa.
Ito ang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng Alert level 1.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, na ang pagtaas ng bilang ng krimen ay dahil narin sa pagluwag ng restriksiyon sa bansa kung saan, sa ilalim ng Alert level 1, pinakamaraming naitatala ang theft o pagnanakaw dahil maraming Pilipino ang gumagala sa mga mall at markets.
Matatandaang nagpakalat na ng halos 4k kapulisan ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila upang masugpo ang mga krimen at magkaroon ng maayos o matiwasay na pagsasagawa ng ibat-ibang aktibidad partikular na ang pangangampaniya ng mga kandidato. —sa panulat ni Angelica Doctolero