Tumaas ang naitalang insidente ng sunog sa buong bansa na sanhi ng paputok mula December 31, 2023 hanggang January 1, 2024.
Sinabi ni Bureau of Fire Protection Spokesperson Fire Superintendent Annalee Atienza, na nakapagtala sila ng 81 insidente ng sunog mula sa nabanggit na panahon.
Mas mataas ito kumpara sa kaparehong panahon noong 2022, na aabot lamang sa 15 insidente ng sunog simula December 31 hanggang January 2022.
Dagdag pa ni Spokesperson Atienza, walang nasawi sa mga naitalang mga sunog na kaugnay sa New Year’s revelry nitong 2023.