Tumaas ang insidente ng vote buying at vote selling simula noong 2010 elections kung kailan ipinatupad ang automated election system.
Ipinabatid ito ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez.
Ayon kay Jimenez, kabilang sa mga maituturing na uri ng vote buying ay ang pagbibigay at pangangako ng pera, trabaho, promosyon, pagbibigay ng pagkain, groceries, mga gadget at alagang hayop.
Idinagdag pa ni Jimenez na maituturing din na vote buying kung bibigyan ng kandidato ang isang botante ng libreng water at electricity services, franchise o grant at mga proyektong pang-imprastrukutra.
Para sa mga nais namang makapag-aral, mabenta aniya ang vote buying dahil nag-aalok ang mga kandidato ng scholarship sa anak ng mga botante, kasama na rin ang anumang political, financial at iba pang uri ng pabor na maaaring ibigay ng kandidato na siya namang ikinasisilaw ng mga botante.
By Meann Tanbio | Allan Francisco