Sisilipin ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga alegasyon ng harassment ng isang pulis Taguig laban sa babaeng Grab driver sa Taguig City kamakailan.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, may isang team na silang ipinadala sa pamilya ng grab driver na si Mary Florence Norial para isailalim sa kaukulang pagtatanong.
Sisilipin din ng CHR kung may hindi nasunod ang pulisya sa proseso ng batas ang may-ari ng video na kumalat sa social media hinggil sa nangyaring pagtatalo nila Norial at ni P/Capt. Ronald Saquilayan.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng CHR ang mga pulis at iba pang law enforcers na sundin ang mga standard protocol at panatilihin ang nauukol na puwersa sa sandaling pisikal na pumapalag ang kanilang aarestuhin.