Nag-inspeksyon ang Department of Health (DOH) sa mga ospital sa Maynila upang makita ang kahandaan ng mga ito sa pagdagsa ng mga pasyenteng may dengue.
Kabilang sa mga ininspeksyon ng DOH ay ang San Lazaro Hospital, kung saan nagkaroon ng 30 bagong kaso kahapon.
Sinabi ni Health Asec. Gerardo Bayugo, na bagamat maraming pasyente, hindi naman siksikan ang charity ward ng ospital.
Pinatitiyak din ng DOH sa pamunuan ng mga ospital na asikasuhin ang lahat ng pasyente at mayroon din naman tulong na ihahatid ang PhilHealth para sa mga pasyente.
Muli din pinaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat at linisin ang kapaligiran, partikular ang mga lugar na maaring pamahayan ng mga lamok.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)