Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang kanilang pag-iinspeksyon sa mga school service o school bus bilang paghahanda sa pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral sa susunod na linggo.
Layunin nitong matukoy ang road worthiness gayundin kung nakasusunod ba o hindi ang mga operator sa phase out order ng LTFRB para sa mga school service na may 15 taon nang ginagamit.
Unang inispeksyon ng mga paaralan ng Don Bosco sa Sta. Mesa sa Maynila gayundin ang mga campus nito sa Makati at Mandaluyong kung saan, 44 na mga sasakyan ang nakitaan ng maliliit na paglabag.
Ilan sa mga ito ay ang kakulangan sa seat belts, fire extinguishers, masyadong tinted na mga bintana at kalbong gulong.
By Jaymark Dagala