Bahagyang nagkagulo sa inspeksyon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Sa kalagitnaan ng pagpiprisinta ni Dela Rosa sa isang klase ng iligal na paputok na kanilang nakumpsika, bigla itong umusok kaya nagtakbuhan ang lahat pati ang mga miyembro ng media.
Nang umusok ang hawak na paputok ng PNP Chief, agad itong kinuha ng hepe ng Bulacan PNP na si Senior Superintendent Romeo Caramat na sya namang nagtapon agad ng paputok sa kalsada at agad binuhusan ng tubig
Nagkataon pa na ang iligal na paputok na hawak noon ni Dela Rosa ay may pangalang “Goodbye Delima.”
Ayon kay Dela Rosa, hindi over acting ang ginawa nilang pagtakbo kundi survival.
Sa huli napag-alamang pulbura lang pala ang lumabas mula sa paputok na napagkamalan nilang usok.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal