Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Building sa Maynila makaraang tumagilid ito nang tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa ilang bahagi ng Luzon.
Batay sa ulat, hindi pinayagan ang media na makasama sa isinagawang inspeksyon dahil sa dahilang pangkaligtasan.
Gayunman, sinabi ni DPWH Dir. Johnson Domingo na walang nakitang malalaking bitak sa loob ng naturang gusali.
Sa ngayon ay pag-aaralan pa ng mga eksperto ang istraktura ng naturang gusali.
Mananatili namang sarado ang EAC building hanggat hindi pa natitiyak ng mga otoridad ang kaligtasan sa nasabing gusali.