Inalis na ng H&M sa kanilang mga outlet at online store ang inspired collection ni Justin Bieber matapos nitong tawaging “trash” o “basura” ang mga produkto ng kumpaniya.
Sa Instagram post ng singer, kaniyang hinikayat ang mga fans na huwag bumili ng mga items katulad na lamang ng t-shirts, jumpers, tote bags at phone accessories dahil hindi umano ito aprubado o walang pahintulot mula sakaniya.
Matatandaang kamakailan, idineklarang “sold out” sa ilang mga outlet ng naturang kumpaniya ang merch collection sa ilalim ng pangalan ni Justin bagay na ikinagulat ng singer.
Agad namang dumipensa ang naturang store sa kanilang fashion line at sinabi na lisensyado ang kanilang mga produkto maging ang kanilang pakikipagsosyo.
Kanila ding iginiit na sumunod sila sa tamang pamamaraan ng pag-apruba hinggil sa collaboration kay Justin.