Hindi hadlang ang katandaan upang matuto.
Ito ang pinatunayan ng 50-taong gulang na si Mang Juan Cabel matapos itong mag-enroll bilang Grade 7 student sa Bacongco National High School sa Koronadal City.
Ayon kay Cabel, residente ng Barangay Assumption at miyembro ng B’laan tribe, nais niyang makatapos ng high school at patunayan sa lahat na hindi balakid ang edad sa pag-abot ng mga pangarap.
Sinabi ni Mang Juan na tumigil siya sa pag-aaral mahigit 30 taon na ang nakararaan dahil sa kahirapan.
Paliwanag ni Cabel, ito’y upang balikatin na rin ang responsibilidad niya sa kanyang 12 anak.
Ayon naman kay Jean Sunga, City Government Scholarship Coordinator, umaasa siyang maging inspirasyon si Mang Juan ng mga out-of-school youths at drop-outs upang mag-aral muli.
By Jelbert Perdez