Na-hack ang Instagram account ni Maine Mendoza o Yaya Dub.
Ito ang kinumpirma ni Alden Richards sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Tinukoy pa nga ni Alden sa kanyang post ang salarin sa pang-hahack ang snap chat user na si Doi.
Lahat ng post ni Maine maging ang kanyang profile ay dinilete ng hacker.
Samantala, nag-sorry naman ang hacker kay Maine kung saan nagsabi itong, I Know I’m Wrong I’m Sorry.
Sa kabila nito, hanggang ngayon ay nanatiling naka-private ang account ni Maine sa kanyang 2.2 million folowers.
By Rianne Briones