Lusot na sa Kamara ang bill para sa institutionalization ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa botong 196-6 at walang abstention, inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7773 na layuning bawasan ang kahirapan at bigyang hanapbuhay ang mga mahirap na pamilya.
Sa ilalim ng panukala, pipili ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa buong mundo sa pamamagitan ng standardized targeting system.
Ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng lump sum conditional cash transfer na P2,200 kada buwan para sa health, nutrition at educational expenses.
Sa kabuuan ng taon, P26,400 kada taon ang matatanggap ng bawat pamilyang mahirap sa loob ng limang taon.
Bukod pa ito sa loan assistance na maaaring tanggapin sakaling matapos ng mga benepisyaryo ang skills training.