Nasira ang instrumento ng Philvolcs na ginagamit sa pagsukat ng sulfur dioxide emission ng bulkang Taal.
Ayon kay Philvolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas, masyadong sensitive ang flyspec na aparato kaya nagka problema ito ng matabunan ng abo.
Aniya, dadalhin na sa taal ang flyspec mula sa Mayon volcano para muling ma monitor ang sulfur dioxide sa bulkang Taal.
Mahalaga aniya ang monitoring ng sulfur dioxide dahil ang presensiya nito sa hangin ay nangangahulugang paakyat na ang magma ng bulkan.