Muling tiniyak ng mga bansang kasapi ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nation ang suporta sa isa’t isa para mapatatag ang pananalapi sa rehiyon.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III matapos ang finance minister’s meet para pabilisin ang mga inisyatibo sa pinaplanong financial integration at pag-unlad.
Sa kabuuan, umaabot sa labing apat na bilyong Dolyar ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga ASEAN member countries nuong isang taon o nasa dalawampu’t isa punto pitong porsyento.
Dahil dito, sinabi ni Dominguez na pinagsusumikapan ng ASEAN Countries na pagsama-samahin ang kanilang ekonomiya tulad ng European Union upang makinabang ang mahigit animnaraan at limampung Milyong Asyano kabilang na ang mga Pilipino na bumubuo sa ASEAN.
By: Jaymark Dagala