Isinusulong ng militar ang pagkakaroon ng isang “integrated readiness plan”.
Ito’y matapos magkasundo sina Philippine Marine Corps Commandant MGen. Charlton Sean Gaerlan at United States Marine Corps Commandant General David Berger ukol dito.
Sa pag-uusap ng dalawang opisyal sa Marine Barracks Rudiardo Brown sa Fort Bonifacio, Taguig, binanggit na bahagi ng readiness plan ang regular na pagsasagawa ng ehersisyo military; pagpapalakas ng mutual defense systems; paglalatag ng marine security; at pagtatatag ng “rapid mobility” sa kapuluan.
Maliban dito, balak ding ilatag ang isang framework para maihanay ang mga aktibidad ng PMC at USMC sa isa’t isa.