Muling sinupalpal ni US President-elect Donald Trump ang mga US Intelligence Agency sa pagpapakalat ng mga “pekeng balita” hinggil sa pananabotahe umano ng Russia sa 2016 presidential elections noong Nobyembre.
Sa kanyang press conference, pinasinungalingan ni Trump ang mga intel report na sinuportahan ni Russian President Vladimir Putin ang kanyang kandidatura sa pamamagitan ng pag-hack umano sa computer network ng kalabang si Hillary Clinton ng democratic party.
Sinopla rin ng halal na Pangulo ang dalawang news organization dahil sa pag-uulat ng walang katotohanang pahayag hinggil sa kanya umanong kaugnayan sa Russian government.
Sa kabila ng kontrobersya, umaasa si Trump na mapaplantsa ang anumang gusot sa pagitan ng Amerika at Russia at mapanumbalik ang magandang ugnayan ng dalawang bansa.
By Drew Nacino