Nabunyag ang laman ng intelligence report na isinumite sa Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa anti-illegal drug operations ni Kerwin Espinosa.
Ayon sa report, si Rolando Kerwin Espinosa, Jr. ay unang na-recruit bilang police asset at naging notorious drug lord sa Eastern Visayas.
Sinasabing P300 million pesos kada buwan ang kinikita ni Kerwin mula sa kanyang narcotics trade o drug supply niya mula sa China.
Si Kerwin ay kabilang na sa listahan ng sangkot sa illegal drugs noong si dating Chief Supt. Vicente Loot pa lamang ang pinuno ng Regional Anti-Narcotics Unit
Mahigpit namang itinanggi ni Loot na kilala niya si Kerwin.
Si Loot na una nang idinawit ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang protektor ng illegal drugs operations at iba pang opisyal ng PNP ay nagsisilbi umanong handler ni Kerwin na umalis na sa kanyang bahay sa Albuera, Leyte bago pa tuluyang makaupo si Duterte.
Naging vital asset umano si Kerwin sa kampanya kontra illegal drugs dahil sa pagtukoy nito sa mga sangkot sa naturang operasyon bago ginamit sa pag-recycle ng mga nakukumpiskang droga pabalik sa merkado.
By Judith Larino