Magpapakalat ng intelligence groups ang Department of Interior and Local Government o DILG sa 42,000 barangay sa bansa.
Tututukan ng bubuuing intelligence group ang pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa illegal drugs, krimen, sugal at corruption.
Ayon kay DILG Assistant Secretary for Plans and Programs, Epimaco Densing, tatawagin nilang Alsa Masa ang intelligence group na bubuuin ng mga volunteers.
Hindi anya armado ang mga ito at hindi rin sila sasailalim sa pangangasiwa ng barangay.
By Len Aguirre