Kinumpirma ngayon ng Russia ang pakikipagpalitan nito ng intelligence reports sa dati nitong kalabang Taliban.
Paliwanag ni Russian Foreign ministry spokesperson Maria Zakharova, ito ay para makatulong sa mabilis na pagpuksa sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Gayunman, nilinaw ng Russia na intelligence sharing lamang na may kaugnayan sa ISIS ang koneksyong nag-uugnay sa pagitan ng Russia at Afghan Taliban.
Matatandaang nangangamba ang Russia sa patuloy na pagdami ng mga nare-recruit ng ISIS kung saan iba rito ay mga mamamayan ng Russia.
By Ralph Obina