Bumuo na si Pangulong Rodrigo Duterte ng task force na tututok at lalaban sa paglaganap ng iligal na droga sa bansa.
Sa Executive Order 15 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, itinatag ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.
Binuo rin sa ilalim ng EO 15 ang National Anti-Illegal Drug Task Force na magtutuloy sa anti-illegal drugs operations.
Alinsunod sa kautusan, ang Philippine Drug Enforcement Agency ang mangunguna sa ICAD kung saan mapapabilang bilang mga miyembro ang 20 government entities.
Kabilang sa task force ang Departments of Justice; Interior and Local Government; Philippine National Police; National Bureau of Investigation at Department of National Defense partikular ang militar.
By Drew Nacino