Nakatakdang magpulong ang inter-agency task force for the management of emerging and re-emerging infectious diseases ngayong araw.
Kabilang sa tatalakayin sa pulong ang umiiral na travel ban sa Taiwan dahil sa banta ng COVID-19.
Una rito, sinabi ni MECO Chairman Lito Banayo na kinuwestyon ng Taiwan ang pagpapatupad ng Pilipinas ng travel ban.
Iginiit ng Taiwan na posibleng may kinalaman ito sa “one China policy” kaya’t ibinabala ang pagganti nito sa naging hakbang ng Pilipinas.