Tinawag na isang klase ng pambubully ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang plano ng IPU o Inter-Parliamentary Union na magpadala ng kanilang kinatawan upang bantayan ang mga kasong isinampa laban kay Senadora Leila de Lima.
Giit ni Andanar, ang rekomendasyon ng IPU na magpadala ng “observer” ay hindi lamang para tutukan ang kaso ni De Lima kundi ang maki-alam sa sistema ng hustisya at demokratiko sa bansa.
Kasabay nito, nanawagan si Andanar na manindigan ang lahat sa isang uri ng panghihimasok sa mga usaping panloob ng bansa ng IPU.
Una rito ay nagpasalamat si De Lima sa inilabas na rekomendasyon ng IPU na magpadala ng observer na magmomonitor sa mga kinakaharap nitong kaso kaugnay sa iligal na droga.
Sa labing anim (16) na pahinang report ng IPU noong Hulyo, kanilang inihayag ang mga pagdududa sa ang mga inihaing ebidensya laban kay De Lima at ang pagpapadala ng trial observer para matiyak ang patas na paglilitis sa senadora.