Plano ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na i-konekta ang supply ng kuryente mula sa Mindoro patungo sa mga lalawigan ng Batangas, Palawan at Panay Island.
Inihayag ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza na malaki ang maitutulong ng hakbang na ito upang mapaganda at mapagtibay ang power generation supply system sa mga nasabing lalawigan.
Gayunman, naghihintay pa anya sila ng tugon mula sa Energy Regulatory Commission kung papayagan ang kanilang inilatag na interconnecting plan.
Sa ngayon hindi pa interconnected ang apat na lalawigan at hindi pa kontrolado ng NGCP. —Sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)