Isinusulong ngayon sa Senado ang pagtatanggal sa ipinapataw na interconnection charges ng mga telecommunication companies sa mga subscribers.
Ang interconnection charges ay ang karagdagang sinisingil ng mga telcos kung saan ang palitan ng tawag o text ay mula sa hindi magkaparehas na network.
Batay sa Senate Bill 1636 na inihain ni Senador Panfilo Lacson na aamyenda sa lifetime cellphone number act kung na magtatanggal sa dagdag singil sa mga calls at text.
Sa kasalukuyan, dalawang piso at singkwenta sentimos (P2.50) ang kinakaltas sa bawat tawag habang kinse sentimos (P0.15) naman sa kada text.
Giit ni Lacson, hindi na makatarungan pa ang ipinapataw na singil ng mga telcos dahil noong 2016 ay umabot sa 806.9 milyong piso ang kanilang nakolekta sa mga subscribers sa interconnection fee lamang.
Nagiging dahilan din umano kung bakit nagtitiis ang maraming subscribers sa iisang network kahit pa hindi maganda ang kanilang serbisyo.
—-