Pananatilihin ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang ipinatutupad nitong interest rate sa kabila ng pag-taas ng inflation rate sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., nananatili pa rin aniyang matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng kaunting paggalaw sa presyo nito.
Kaya naman, walang nakikitang pangangailangan si Espenilla para baguhin ang umiiral na 3 percent rate sa interest sa mga bangko at iba pang financial institutions.
Una nang inihayag ng mga financial managers na malaki pa ang posibilidad na bumaba ang inflation bago magtapos ang taong ito.
—-