Aminado si dating Presidential Spokesman at International Criminal Court accredited Lawyer Harry Roque, na malabong pagbigyan ng ICC ang hihilingin na interim release para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Atty. Roque, wala pang napapalaya na directly accused ng crimes against humanity o war cimes.
Gayunman, binigyan-diin ng abugado na maghahain pa rin ang legal team dating pangulo ng interim release para rito.
Samantala, iginiit ng ICC na mayroon silang hurisdiksyon kay dating Pangulong Duterte, ngunit maaari namang kwestyunin sa korte ang ligalidad ng pagsuko sa dating presidente.—sa panulat ni Kat Gonzales