Nagbitiw na ang Interior Minister ng Iraq matapos ang pambobomba sa Baghdad na ikinasawi ng mahigit 200 katao at nagresulta ng matinding galit.
Inamin ni Mohammed Ghabban na naging useless na ang mga checkpoint sa Capital City matapos makalusot ang mga nasa likod nang pambobomba na posibleng nanggaling sa Diyala Province na nasa hilaga ng Baghdad.
Gayunman tumanggi si Ghabban na akuin ang responsibilidad sa nangyaring pagsabog dahil sa hindi matatag na security system.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters