Tinitingnan ng pamahalaan na ihiwalay ang internal affairs service mula sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, napag-usapan na nila ito kasama si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., Interior And Local Govenrment Secretary Benhur Abalos, at Speaker Martin Romualdez.
Marahil aniya’y ilabas ang internal affairs unit ng pnp at ilagay sa kamay ng kalihim ng DILG.
Paliwanag pa ni Remulla, kailangang maging matatag ang unit na may sariling pondo na hindi sakop ng hepe ng PNP.
Nabatid na ang hakbang ay kasunod ng pag-anunsyo ng DOJ na sasampahan nito ng kaso ang tatlong miyembro ng PNP na may kaugnayan sa pagkawala ng e-sabong agent noong 2021.