Itinuturing na matagumpay ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang isinagawang internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.
Kasunod ito ng sampung senior officials na hindi parin nakakapagsumite ng kanilang courtesy resignation sa kabila ng naging panawagan ng DILG kaugnay sa mga tiwaling pulis na sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
Ayon kay Azurin, kahit may ilang mga PNP officials ang hindi parin nakakapaghain ng call resignations ay nangangahulugan parin ito na isang adhikain ng ahensya na linisin ang kanilang organisasyon laban sa iligal na droga.
Matatandaang kahapon ang huling araw o deadline sa filing ng courtesy resignation ng mga colonel at generals upang agad na masimulan ang imbestigasyon ng binuong 5-man committee.
Sa ngayon, nasa 941 na o katumbas ng 98.74% mula sa kabuuang 953 PNP officials ang nakapaghain na ng kanilang courtesy resignation habang 10 pa ang bigo pa rin at hinihintay pang makapagsumite dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.