Sumadsad sa halos 80% ang naging arrival o dami ng mga dumating na international travelers sa bansa ngayong taon.
Ito’y batay sa datos ng Bureau of Immigration na anila’y dahil sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, malaki ang ibinaba ng international arrivals dahil sa travel restrictions na ginawa para mapigilan ang pagpasok ng bagong strain ng coronavirus sa bansa.
Sinabi ni Morente na inaasahan na ang ganitong trend hanggang sa unang bahagi ng 2021 ngunit posible itong tumaas kapag marami nang nabakunahan.
Mahigit 3.5 milyong pasahero ang dumating sa bansa mula Enero hanggang Disyembre 15, kumpara sa mahigit 16.5 milyon noong 2019.