Sasampahan ng kaso ng International Band na Guns n’ Roses ang isang online store dahil sa paggamit nito ng kanilang pangalan.
Inihain ng banda ang kaso sa Los Angeles laban sa online gun store na Texas Guns and Roses.
Anang banda, hindi makatarungan ang paggamit ng store sa kanilang pangalan at ayaw anilang maugnay ang kanilang band name sa mga armas at karahasan.
Agad namang inabisuhan ng korte ang may-ari ng establisyimento na Jersey Village Florist Llc.
Mababatid na nabuo ang banda noong 1984 at naging isa sa pinakamatagumpay na banda sa mundo. - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan