Tinawag na extension ng mental hospital ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ICC o International Criminal Court.
Reaksyon ito ni Alvarez sa di umano’y plano ni Congressman Gary Alejano na iakyat sa ICC ang mga di umano’y paglabag sa batas ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang hindi lumusot ang inihain niyang impeachment case.
Samantala, sinabi ni Alvarez na posibleng sa Agosto pa sila makapagpasya kung i-e-endorso o hindi ang impeachment case laban kina Vice President Leni Robredo at Ombudsman Conchita Morales.
Ayon kay Alvarez marami sa mga nakatanggap ng draft ng reklamo kabilang na siya ay nagsabing pag-aaralan muna nilang mabuti ang nilalaman ng impeachment case bago magpasya.
By Len Aguirre | With Report from Jill Resontoc