Ginugunita ngayon sa buong mundo ang International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.
Kaugnay nito, hinikayat ni UN Secretary General Ban Ki Moon ang lahat ng bansa na gunitain ang araw na ito lalo na sa mga bansa kung saan matindi ang banta sa buhay ng mga mamamahayag.
Ayon kay Ban Ki-Moon, pinakikilos na ng UN Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO ang lahat ng partners nito para maipatupad ang UN Plan of Action on the Safety of Journalists lalo na sa isyu na walang napaparusahang suspect sa pagpatay sa isang mamamahayag.
Sinabi ni Ban Ki-Moon na sa 821 nadokumentong pagpatay sa mga mamamahayag halos walong (8) porsyento lamang ng mga suspects ang natukoy o nakasuhan.
By Len Aguirre