Balik-operasyon na ang ilang international at domestic flights ng Philippine Airlines (PAL) sa piling mga lugar simula sa Lunes, Hunyo 1.
Batay sa abiso ng pal, magkakaroon na ng limitadong biyahe ng kanilang eroplano sa USA, Canada, Guam, Vietnam, Mainland China, Malaysia, Indonesia, Hong Kong, Taipei, Singapore, Japan, Uae, Qatar at Saudi Arabia.
Gayundin ng ilang flights sa mga lokal na ruta kabilang ang Basco Batanes, Laoag City, Legazpi City, Busuanga, Coron Palawan, Bacolod City, Cebu, Dumaguete, Iloilo, Kalibo, Caticlan, Roxas City Capiz, Tacloban, Tagbilaran Bohol, Butuan, Cotabato, Cagayan De Oro, Dipolog, Davao, General Santos, Ozamiz, Pagadian at Zamboanga.
Ayon sa PAL, pinaplano na rin nilang dagdagan pa ang ruta at bilang ng kanilang flights sa mga susunod na buwan alinsunod pa rin sa mga ipalalabas na guidelines ng pamahalaan.
Samantala, pinaalalahanan naman ng airline ang kanilang mga pasahero kaugnay ng kanilang ipinatutupad na new normal bilang pag-iingat kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pinapayuhan din ng PAL ang mga pasahero na bisitahin ang kanilang website at mga social media accounts para sa kabuuang detalye at schedule ng kanilang mga flights.