Naniniwala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maghahatid ng pag-asa at pagkakaisa ang gagawing International Eucharistic Congress.
Kasunod nito nanawagan ang Kardinal sa mga mananampalataya na mag-ambag para sa paghahanap sa pag-asa at pagkakaisa.
Sa ngayon aniya, marami nang tao ang nawawalan ng pag-asa sa kabila ng mga inaaniban nilang mga grupo.
Dahil dito, dapat hanapin ng bawat isa si Hesus sa kapwa bilang pagtupad sa tunay na misyon ng pagiging isang Kristiyano.
Gagawin ang ika-51 International Eucharistic Congress sa Cebu mula Enero 24 hanggang 31 sa susunod na taon.
By Jaymark Dagala