Malugod na tinanggap ng isang grupo ng mga International Journalist ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order na magpapatupad sa Freedom Of Information.
Gayunpaman, sinabi ng grupong International Federation Of Journalists na kailangan pa ring paigtingin ang malayang pamamahayag sa Pilipinas.
Dagdag ng International Federation Of Journalists, nahaharap ang media sa bansa sa samu’t saring hamon at isa na rito ang kultura ng kawalan ng pananagutan.
Matatandaang sa SONA ni Pangulong Duterte, inihayag nitong itinuturing niyang katuwang ang mga tunay o bona fide media.
By: Avee Devierte