Muling bubuhayin ang international flight operations sa Kalibo International Airport sa pagbubukas muli ng Boracay sa Oktubre 26.
Ipinabatid ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) – Aklan Manager Eusebio Monserate Jr., na maraming airline companies na ang nagsumite ng kanilang proposal para sa slots sa pagbabalik ng kanilang byahe lalo na ang mga international flight mula China at South Korea.
Samantala, kinumpirma ni Monserate na pinabalik na simula nuong Lunes ang mga empleyado ng CAAP na pansamantalang inilipat sa Roxas at Iloilo airport na naapektuhan ng Boracay closure.