Pina-iimbistigahan ng international human rights group sa United Nations (UN) ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Human Rights Watch o HRW na nakabase sa New York City, dapat magkaroon ng independent investigation sa ibinunyag ni Edgar Matobato, dating miyembro ng Davao Death Squad na aabot sa 1,000 katao ang pinatay sa Davao City noong panahong mayor pa doon ang Pangulo.
Ayon kay Brad Adams, Asia Director ng HRW, hindi malalaman ng mga Pilipino ang katotohan kung sangkot nga o hindi ang Pangulo ng bansa kung hindi magkakaroon ng independent investigation.
Pinuna ng HRW na, naaayon ang imbestigasyon dahil lumobo ng husto ang bilang ng patay sa giyera kontra droga ng bansa mula nang maupo bilang Pangulo si Duterte.
By Len Aguirre