Naglunsad ang International Human Rights Organization ng kampanya upang i-monitor ang National at Local Election sa bansa.
Ayon kay International Coaliton for Human Rights in the Philippines o ICHRP global council chairperson Peter Murphy, sa pamamagitan ng International Observer Mission (IOM) ay kanilang mababantayan ang halalan mula sa campaign period bukas hanggang sa araw ng eleksyon sa Mayo 9.
Nangako rin ang grupo na babantayan nito ang kasunod na pagbibilang ng mga balota at pagdedeklara ng resulta ng naturang aktibidad.
Samantala, ang IOM ay binubuo ng mga non-Filipino observer sa lahat ng rehiyon ng bansa.—-sa panulat ni Airiam Sancho