Malaking papel ang ginagampanan sa lipunan ng International Humanitarian Law.
Ito ang binigyang diin ni dating Senador ngayo’y Red Cross Chairman Richard Gordon kasabay ng paggunita ngayong araw ng International Humanitarian Law Day.
Sa panayam ng DWIZ, partikular na inihalimbawa ni Gordon ang madugong Mamasapano massacre na ikinasawi ng SAF 44 bilang isang konkretong paglabag sa nasabing batas.
Isa si Gordon sa mga miyembro ng Ad Hoc Committee on International Humanitarian Law sa United Nations.
“Dapat ang gobyerno pairalin ‘yan, kasi dito puwede mong parusahan ‘yung mismong Presidente, ‘yung mismong leader ng halimbawa ng mga rebelde, command responsibility ‘yan, kahit na hindi mo sila kilala pero alam nila na nangyari ‘yun, puwede silang kasuha diyan, hindi lang revised penal code ngunit ‘yang tinatawag nating International Humanitarian Law.” Pahayag ni Gordon.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco