Kinastigo ng Commission on Human Rights (CHR) ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Ito ang inihayag ng CHR, sa harap ng sunud-sunod na pag-atake na naman ng mga komunista sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, dapat igalang ng CPP-NPA ang international humanitarian law at ang mga umiiral na batas ng bansa.
Marami aniyang nawawasak na buhay at kabuhayan dahil sa armadong pakikibaka ng mga komunista bunsod ng kanilang ipinaglalaban.
Binigyang diin pa ng CHR, naghain na ng kaso ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa komunistang grupo upang papanagutin ito sa kanilang mga ginawa.