Nanindigan ang International Monetary Fund (IMF) na hindi nila babaguhin ang kanilang mga panuntunan upang mapagbigyan ang bansang Greece.
Ayon kay IMF Managing Director Christine Lagarde, hindi nila maaaring ibahin ang kanilang patakaran para lamang maiwasan ang pagbagsak ng ekonomiya ng Greece.
Binigyang diin pa ng IMF na agarang solusyon ang kailangan ng Greece na magmumula anila sa gobyerno nito.
Magugunitang sa darating na linggo pa na linggo tutugunan ng European Union ang pangatlong international bail out plan ng Greece.
By Ralph Obina